Ako si Lomer, ako kay pumunta sa Brazil noong pag pasok ng 2020. Pumunta ako sa Brazil upang mag trabaho o maging OFW. pumunta ako doon upang mabuhay ko ang aking pamilya at upang mapag tapos ko ang aking dalawang anak. Nung una ay maayos ang naging trabaho namin doon ngunit nung tumagal na kami ay bigla nalang nag bago ang trato sa'min ng aming amo. Hindi na kami pinapasahod ng aming amo at hindi na rin kami nakakakain, napipilitan nalang kami kumain ng pagkain na galing sa basurahan, ito yung mga pagkain na tinatapon na galing sa mga restaurant. Dahil sa kagutuman namin ay wala na kaming nagawa kundi kainin ang pagkain na galing sa basurahan. Hindi ako makauwi dahil sa pandemic, dahil hindi ako makauwi ay sa kalsada nalang ako nakatira dahil pinalayas na kami sa bahay ng amo namin. Isang araw ay may tumulong sa'min na taga Brazil din, pinatuloy niya kami ng mga kasama niya at pinakain. Ilang months din kaming nakatira sa bahay nila at dahil nakatira naman na kami sakanila ay naging katulong nalang kami sa bahay nila. Noong 2023 ay umuwi ako sa Philippines upang bisitahin ang aking pamilya, ngunit imbis na matuwa ako ay naging malungkot ang pag-uwi ko, dahil nalaman ko na nag loko pala ang asawa ko at nag karoon pa siya ng anak sa ibang lalaki. Hindi ko alam ang gagawin ko, ngunit pinatawad ko parin siya para sa aming mga anak. Kahit na hindi ko anak ang dinadala niya ay tinanggap ko parin ito, dahil ang tunay na tatay ng dinadala niya ay nag loko at iniwan siya nito. Ilang weeks lang ako sa Philippines at nag hanap na ulit ako ng trabaho sa ibang bansa. Nakahanap ako ng trabaho sa Qatar, nag trabaho ako doon sa KFC at naging maganda ang trabaho ko doon, maayos ang patrato nila sa'kin. Dahil sa pag ta-trabaho ko doon ay napunta naman ako sa Europe, maganda rin ang naging trabaho ko dito kaya nakapag patayo ako ng sarili kong bahay sa Philippines at napapag-aral ko na ang mga anak ko sa private school. Natuto ako na huwag sumuko agad kapag may dumating na problema. Tinatagan ko lang ang aking loob upang maging maayos ang aking buhay. Dahil sa pag susumikap ko ay napapag-aral kona ang mga anak ko sa private school, nakapag patayo na ako nag sarili kong bahay, at nakakapag travel na ako sa iba't ibang bansa.
We once dreamed of conquering mountains and sailing distant seas. Now we barely notice the horizon beyond our screens. The world hasn't gotten smaller; our vision has. We've traded wonder for convenience, adventure for comfort.