“Aginaldo ng mga Mago”
Maikling Kuwento mula sa United States of America Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro Ng
“Gift of the Magi ni O. Henry
Piso at walumpu’t pitong sentimos. Iyan lang. At ang animnapung sentimos nito ay barya. Makatatlong bilangin ni Della. Piso at walumpu’t pitong sentimos. At kinabukasan noon ay Pasko.
Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa munting gusgusing
sopa at magpalahaw. Kaya’t iyon ang ginawa ni Della.
Tinapos ni Della ang kaniyang pag-iyak at hinarap ang kaniyang mga pisngi. Siya’y nagpulbos. Tumayo siya sa tabi ng bintana at matamlay na pinagmasdan ang isang abuhing pusang nanunulay sa isang abuhing likod-bahay. Kinabukasan noon ay araw ng Pasko at ang pera niya’y wala kundi piso at walumpu’t pitong sentimos lamang para ipambili ng pang-aginaldo kay Jim. Kung ilang buwan siyang natabi ng pera at ito ang kaniyang natipon. Gaano ba naman ang itatagal ng kitang dalawampung piso isang linggo! Naging malaki ang kaniyang mga gastos kaysa kaniyang inaasahan. Laging gayon ang nangyayari. Piso at walumpu’t pitong sentimos lamang na pambili ng aginaldo para kay Jim. Sa kaniyang Jim.
Maraming oras ang ginugol niya sa pag-iisip ng isang magandang pang- aginaldo kay Jim. Isang pang-aginaldong maganda, pambihira at yari sa pilak – yaong maaaring nang sabihing karapat-dapat ariin ni Jim.
Kagya’t siyang pumihit at nilisan ang bintana at humarap sa salamin. Nagningning ang kaniyang mga mata, datapwa’t dalawampung segundong nawalan ng kulay ang kaniya pisngi maliksi niyang inilugay nang puspusan ang kaniyang buhok. Ang mag- asawang James at Della Dillingham Young ay may dalawang ari-ariang ipinagmamalaki nila nang labis. Ang isa’y gintong relos ni Jim na minana niya sa kaniyang ama at sa ama ng kaniyang ama. Ang isa pa ay ang buhok ni Della.
At ngayo’y nakalugay ang magandang buhok ni Della, alon-alon at kumikislap na parang buhos ng kayumangging tubig sa isang talon. Abot hanggang sa ibaba ng kaniyang tuhod at mistulang pananamit na niya. At pagkatapos ay maliksing pinusod niyang muli na nangangatog pa ang kaniyang mga kamay. Minsan siyang natigilan
samantalang dalawang patak na luha ang tumulo sa gasgas na pulang karpet sa sahig.
Isinuot ang kaniyang lumang dyaket na kulay kape: isinuot ang kaniyang lumang sumbrerong kulay kape rin. Umalembong ang kaniyang saya at nagkikinang ang kaniyang mga mata nang siya’y humagibis na papalabas sa pinto, manaog at lumabas sa lansangan. Sa tapat ng hinintuan ay may karatulang ganito ang mababasa: “Mme. Sofronie. Lahat ng Uri ng Kagamitang Yari sa buhok.” Patakbong pumanhik si Della sa unang hagdan at saka huminto upang bigyang-panahon ang kaniyang paghingal.
“Gusto ba ninyong bilhin ang aking buhok?” ang tanong ni Della. Bumibili ako ng buhok, “sabi ng madame. “alisin mo ‘yang sombrero mo’t nang makita ko ang hitsura niyan.”
Ipinakita ni Della ang alon-alon niyang buhok. “Beinte pesos.” Ang wika ng Madame, habang iniangat ng sanay na kamay ang makapal na buhok. “Bayaran n’yo ako agad,” ang wika ni Della. O, at ang sumunod na dalawang oras ay masayang nagdaan. Hindi pala. Sa loob ng dalawang oras na sumunod ay walang ginawa si Della kundi ang halughugin ang mga tindahan sa paghahanap ng maipang-aaginaldo kay Jim.
Sa wakas ay nakakita siya. Talagang bagay na bagay kay Jim. Parang ipinasadya. Walang ibang tindahang mayroon noon. Isang magandang kadenang platino, na ang disenyo ay simpleng-simple ngunit nakaaakit. Sa tingin lamang ay talagang makikilalang mamahalin. At sadyang karapat-dapat sa relos. Pagkakitang- pagkakita niya sa kadenang iyon ay sumaksak agad sa loob niya ang bagay na iyon ay Jim. Katulad na katulad nito- mahinhin at mahalaga. Dalawampu’t isang piso ang ipinabayad nila roon sa kaniya at nagmamadali siyang umuwi, dala ang dalawampu’t pitong sentimos na natitira. Kapag nakabit na ang kadenang iyon sa kaniyang relos ay pihong madalas na titingnan ni Jim ang oras sa harap ng kaniyang mga kaibigan. Bagaman sadyang maganda ang relos, palihim kung ito’y dukutin ni Jim upang tingnan ang oras dahil sa lumang katad na nakakabit.
Nang dumating sa bahay si Della, minabuti niya ang gumawa ng kaunting pag- iingat. Kinuha niya ang kaniyang pangulot at pinainit ang kalan at kinumpuni ang kasiraang nilikha ng pag-ibig na pinalubha pa ng kagandahang loob.
Nang alas-siyete na’y handa na ang kape at ang pagpriprituhan ng karne.
Si Jim ay hindi kailan ginagabi ng dating. Kinuyom ni Della ang kadena sa kaniyang palad at naupo sa sulok ng mesang malapit sa pintong laging dinaraanan ni Jim. Narinig niya ang mga yabag ni Jim sa unang hagdanan, at siya’y namutla sandali. Ugali na niya ang magdasal nang kaunti patungkol sa mumunting bagay na nangyayari sa araw-araw at ngayo’y bumulong siya ng ganito, “ O Poong Diyos, marapatin Mo pong sabihin niya na ako’y maganda pa rin.”
Bumukas ang pinto at pumasok si Jim at pagkatapos ay isinara uli iyon. Parang nangayayat siya at ang mukha niya’y walang bakas ng kagalakan. Kawawa naman! Dadalawampu’t dalawang tao
Piso at walumpu’t pitong sentimos. Iyan lang. At ang animnapung sentimos nito ay barya. Makatatlong bilangin ni Della. Piso at walumpu’t pitong sentimos. At kinabukasan noon ay Pasko.
Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa munting gusgusing
sopa at magpalahaw. Kaya’t iyon ang ginawa ni Della.
Tinapos ni Della ang kaniyang pag-iyak at hinarap ang kaniyang mga pisngi. Siya’y nagpulbos.